Ano at sino nga ba ang TAGA DEL MUNDO?

     Ang Taga Del Mundo Ako Group po ay isang baguhang samahan pa lamang na binubuo ng mga OFW at Concerned  Citizens ng Barangay B. del Mundonaglalayong makatulong sa ikauunlad ng aming mahal na Brgy. Del Mundo. Makapaghatid ng isang malinaw na mensahe at inspirasyon sa bawat isa sa atin, na hindi kailanman hadlang ang pagiging mahirap upang umunlad ang isang simpleng kumunidad! Patuloy po kaming nangangalap  ng karagdagang pondong financial para sa mga proyekto at programa ng aming grupo. Ang bawat sentemong pondo na aming nalalakap ay derekta pong inilalagak namin sa opisyal na bank account ng Taga Del Mundo Ako Group -Account.no.: 51-14113-4. Acct.name: B.Del Mundo Responsible Citizen (BDMRC) . At lahat po ng reports na magmumula sa aming pondo ay bukas sa publiko  na makita at alamin ang nilalaman ng naturang account. Amin din pong inilalatag sa opisyal na facebook account ang mga detalye ng bawat programa at proyektong aming ginagawa  for transparency. Kami po ay hindi isang Political group o alinmang may personal na kaugnayan sa pulitika. Gayunpaman po nararapat lamang po na kami ay makipag-ugnayan sa aming mga lokal na opisyal sa Brgy. Del Mundo specifically sa aming butihing Capt. Armando Samarita upang mas matulungan kaming maipatupad ng maayos ang mga proyekto sa Brgy. Del Mundo. Naniniwala po kami na hindi sapat na rason ang pagkakaroon ng payak na pamumuhay para makalimutan nating alagaan at linisin ang ating kapaligiran. Lahat tayo ay may obligasyon at pananagutan bilang tao na maging responsableng mamayan, panatilihin natin ang disiplina at kalinisan! 
Ps Note:
Malugod po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga kababayan at mga kaibigan namin na walang sawang sumusuporta , naniniwala at nagtitiwala sa aming mga mabubuting adhikain at kakayahan! Kami po ay nalulugod sa ipinapakita ninyong suporta, maging pinansyal man, kaalaman , moral, o ispirtual ay napakahalaga o sa aming lahat dahil ito ang nagbibigay ng lakas ng loob at inspirasyon na ipagpatuloy namin ang pagsisikap na makatulong sa ikauunlad ng Brgy. Del Mundo! Sana po sa aming paglalakbay ay patuloy pa rin kayong nakaagapay upang kami ay laging gabayan  at suportahan! Nag-uumpisa pa lamang po ang  ating paglalakbay at alam naming maraming malulubak na parte ang aming susuungin ngunit buo sa aming isip at mga puso na maraming butihing puso ang gagabay sa amin at sana huwag nating hayaang maging isang NINGAS KUGON lamang ang magandang simulaing ito! Maraming salamat po sa inyong lahat! God bless! Ipagpatuloy ang disiplina at pagbabagong ating nasimulan ng sa gayon ang bagong henerasyon ay mayroong isang Malinis na Kapaligiran at Masaganang Kinabukasan!

       Para sa mga karagdagang impormasyon maari nyo pong bisitahin ang aming Facebook account Taga Del Mundo Ako!


TAGA DEL MUNDO AKO REPERESENTING OFFICIALS
GIANINNA CONTADO
Admin In Charge of Taga del Mundo Ako Facebook Account
Treasurer (Israel)
JORJANNA PAPASIN
Secretary (Canada)
MYRA MANING
Secretary (New York)
AILEEN DIMATULAC
Assistant Treasurer  (Israel)
LIEZEL AYAP
Israel Coordinator
Christine Del Mundo
Secretary (Philippines)
Darwin Solanoy
Treasurer (Philippines)
CAPT. ARMANDO SAMARITA
In Charge (Philippines)
CHRISTIAN DEL MUNDO
Vice President (Qatar)
NERISSA G. DOMINGO
President (South Korea)

PROUD TO BE TAGA DEL MUNDO AKO!




No comments: