Breast Reduction for Women & Men...

Paniniwala ng iba, mas malaki ang dibdib, mas seksi at mas maganda! Kaya naman usong-uso sa mga kababaihan ang breast augmentation o pagpapalaki ng hinaharap. Ngunit para sa ilan, kalbaryo at hindi biyaya ang laki ng kanilang dinadala.

Gigantomastia o gigantic breasts ang tawag sa kondisyong ito kung saan abnormal at ga-higante ang paglaki ng dibdib ng babae. Pahirap na sa katawan dahil sa bigat, ang tinatamaan pa nito, nagiging tampulan ng pangungutya at katatawanan. Ang solusyon dito ng siyensiya -- reduction mammoplasty o breast reduction.

At hindi lang mga kababaihan ang nakikinabang dito. Maging mga lalake sumasailalim na rin sa breast reduction upang ipatanggal ang sobrang taba sa kanilang dibdib. Gynecomastia naman ang tawag sa abnormal na pag-umbok ng dibdib ng lalake.



1 comment:

Gynecomastia said...

Thanks to modern technology almost everything now has a solution. Overweight guys would definitely take advantage of this procedure.