Raket na Operasyon.[[PHILHEALTH]]



GMA-Reporters Notebook

Ulat ni John Consulta

Itinatag ang Philhealth upang masiguro ang kalagayan ng kalusugan ng mga Pilipino. Mayaman man o mahirap ay maaaring makinabang sa mga benepisyo nito. Pero sa halip na makatulong, sa ilang lugar sa bansa, nagiging sanhi pa ng pagdurusa ng ilan nating kababayan ang pagiging miyembro nila sa programang ito.

Niraraket umano ng ilang hospital ang pondo ng Philhealth. Sa pamamagitan ng mga medical mission inooperahan ang ilang mga pasyente kahit hindi naman kailangan ng operasyon. Resulta meron nang nabulag dahil dito. May mga nagrereklamo rin na overpriced o sobra sa presyo ang gamutan kumpara sa ibang ospital.

No comments: