Sa Isla Molocaboc, sa Negros Occidental, halos lahat ng kalalakihan ay mga pearl diver. Araw-araw sumisisid sila ng mga tipay o pearl oysters gamit ang compressor. Ang mga tipay na ito ang binebenta nila sa mga pearl farms para patubuan ng perlas sa loob.

Susundan ni Kara David ngayong Lunes ang prosesong ito. Delikado ang pagsisid para sa tipay. Dahil nasa malalim na parte ng dagat ito makikita, karaniwan na sa mga maninisid ang nababalda at nabibingi. Isa sa kanila si Mang Sinong Karton na paralisado ang kalahating katawan pero hanggang ngayon patuloy pa rin sa pagsisid. Hindi raw siya titigil hangga't di napapagtatapos sa pag-aaral ang mga anak.

Si Lolo Mariano, ang isa pinakaunang maninisid sa Molocaboc. Nabingi na siya dahil sa lalim ng kanyang sinisisid. Ayaw niya sanang maging maninisid ang mga anak pero hindi mapigil ang bunso niyang si Dodong. Pursigido si Dodong na isugal ang kanyang buhay. Malaki na raw kasi ang utang niya sa may-ari ng bangka. Binibili lang sa kanya ng 50 pesos ang kada isang tipay. 1,000 pesos ang presyo ng krudo kaya't kailangan niyang sumisid ng mahigit 20 tipay sa isang biyahe para kumita.

Anumang lakas ng loob ni Dodong, unti-unti nang namamatay ang kabuhayan ng mga pearl divers. Pababa na nang pababa ang presyo ng mga tipay. Kumokonti na ang mga pearl farm na bumibili sa kanila. May makabagong teknolohiya na kasi ng pagpaparami sa mga oysters.

Isang kabuhayang unti-unti nang namamatay, isang kabuhayang ilang kinabukasan na rin ang pinatay. Pasukin sa dokumentaryo ni Kara David ngayong Lunes sa I-Witness.


:WATCH:


Part 1:

http://www.zshare.net/video/16101387bdb61038/


Part 2:

http://www.zshare.net/video/16101663828ab813/

No comments: