KISH ISLAND, IRAN [Persian Paradise] Taguan ng mga Pilipinong Illegal sa DUBAI!

Reporters Notebook - Stranded at Kish Island Iran




Sa ikatlongtaong anibersaryo ng Repoter's Notebook, samahan sina Maki Pulido at Jiggy Manicad sa gitnang silangan at pasukin ang mundo ng mga nasawing pangarap ng ilan nating kababayan.

Ang Kish Island... nakatagong paraiso sa gitna ng mala-disyertong lugar ng Middle East. Bahagi ng Iran, makikita ito sa Persian Gulf, ilang kilometro lang ang layo sa Dubai. Sikat sa mga turista dahil sa mala-diyamanteng buhangin at kaayaayang karagatan. Pero sino ang mag-aakalang ang islang ito rin ang siyang nagiging pansamantalang kanlungan ng mga Pilipinong napapaso ang kapalaran?

Tapunan na nga raw ng mga kababayan nating OFW ang Kish Island dahil tuwing napapaso ang kanilang visa sa Dubai, dito sila dumederetso at naghihintay na maisaayos ulit ang mga papeles na kailangan para makabalik sa Dubai. Ang problema, hindi agad naaayos ang kanilang mga dokumento. Marami nga, mahabang panahon nang naninirahan sa Kish hangang maubos na ang kanilang ipon kaya kalbaryo ang kanilang dinaranas. Ang ilan sa kanila, napilitan na ring magbenta ng laman para lang mabuhay, at ang iba naman ay nagbubuhay-pulubi na.

Pasukin ang Kish Island sa kaunaunahang pagkakataon at kilalanin ang mga Pinoy na dito'y umaasang makabangon muli sa kahirapang kinasasadlakan.

Panoorin ang Reporter's Notebook sa ika-24 ng Hulyo, Martes ng gabi pagkatapos ng Saksi, sa GMA.

No comments: