Sine Totoo Compilation







Sine Totoo: Inareglong Kasal - http://www.pinoychannel.tv/watch/v-52430

Sine Totoo: Alipin -- http://www.pinoychannel.tv/watch/v-54793

Sine Totoo presents Kapuso Mo, Jessica Soho-http://www.pinoychannel.tv/watch/v-57185

Kasama ang kanyang KMJS team, inalam ni Jessica Soho kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga kabataang handang dumaan sa hazing sa ngalan ng kapatiran. Sa isang video ng aktwal na hazing, makikita ang matinding pag-iyak at pagsigaw ng aplikante sa frat na si Grace habang siya'y hinahampas ng paddle, tinatadyakan, at sinasampal. Punong-puno man ng pasa ang halos buong katawan, pinaninindigan pa rin ni Grace na kinailangan niyang mahirapan para mas mahalin niya ang kanyang sinasalihan.

Sa iba namang kuwento, nakilala ng KMJS ang mga maninisid ng scallops o tikab - isang uri ng kabibe na inihahain sa mga mamahaling restaurant. Para makakuha ng mga tikab, bumababa ang mga maninisid ng hanggang 80 talampakan.

Sumama rin ang KMJS sa isang dayuhang biologist sa mga kagubatang tinitirhan ng mga butaan - isang uri ng bayawak na sa Pilipinas lang makikita.

Sa panayam ni Howie Severino ng Sine Totoo, ikinuwento ng executive producer ng Kapuso Mo, Jessica Soho na si LJ Castel na mula pa noong bata siya ay hinahangaan na niya ang mga ulat ni Jessica. Bilang isa sa mga mamamahayag na nagkamit ng pinakamaraming parangal sa bansa, patuloy na nagiging inspirasyon si Jessica ng mga nais ding pumasok sa industriya ng broadcasting.

2 comments:

Anonymous said...

jha-noah.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading jha-noah.blogspot.com every day.
instant loans
payday loans canada

JhaJha said...

Thank you..God bless