Christmas Season Fund raising for Taga DelMundo (less fortunate families to be chosen to give them a small Pangkabuhayan Showcase (Simple way source of Income) or a Grocery Items for Noche buena gift pack! Be one of Us! Be our Angel's this Christmas, Touch the life of our people who needed your supports and helps. Be the reason of their smile & bring them hope in your simple way! ♥ Message me for more infos. ♥ Thank You & God bless everyone! :-*
Showing posts with label TGDMA Group. Show all posts
Showing posts with label TGDMA Group. Show all posts
Taga Del Mundo Ako; Latest Updates for Garbage Project
Eto po ang ilang mga updates sa project nating basurahan, Napinturahan na po, Nailagay na din sa mga lugar na matao. We consider po ung matao na lugar obviously po kapag matao ang lugar maraming nagkakalat ng basura. Kasabay po ng layuning ito na sana matuto tayong lahat ng tamang disiplina sa kapaligiran. Mga slogans nalang po ang kulang para sa kabuuan ng ating unang proyekto.
Kami po ay patuloy na Nagpapasalamat ng buong puso sa inyo pong lahat na mga kababaryo namin at mga kaibigan na patuloy pong sumusporta, patuloy pong nagdarasal ng katagumpayan ng ating mga adhikain. Nagpapasalamat din po kami higit sa lahat sa ating butihing Kapt.Armando Samarita na alam po namin na kayo ay isa sa malaking bahagi ng proyektong ito at sa mga darating pang proyekto natin para sa mga TAGA DEL MUNDO! Sa amin pong mga kapwa opisyales ng grupong Taga Del Mundo Ako, Salamat sa pagiging bukas palad at buong pusong pagbibigay ng panahon at mga paghahayag ng magagandang suhestyun na ang laging sentro ay ang Makatulong sa kapwa taga Del Mundo! Kay Treas. Dharz Solanoy na napakasipag mag-updates kahit na anong busy nya sa trabaho, kay Mr. Marvin (block-Black) na kaisa na rin po natin sa programang ito, w/c is naatasan po at napakisuyuang ayusin ang Slogans for the garbage project. Sa mga hindi namin pwedeng kalimutang napakabubuting Sponsors & Donors na kusang nagpapaabot ng kanilang tulong. Hindi lamang po ninyo alam kung gaano namin kayo pinapasalamatan maging ang mga moral & spiritual supports po ninyong lahat ay NAPAKAHALAGA sa amin upang patuloy kaming maging matatag, mas pursigido at inspiradong ipagpatuloy ang nasimulan nating pagbabago tungo sa isang Maunlad, Disiplinado at Nagkakaisang mga TAGA DEL MUNDO!
PS.
Kayo pong lahat ang aming lakas. ang aming gabay, kaya kami po ay patuloy na dumudulog na GABAYAN nyo po at patuloy na SUPORTAHAN ang TAGA DEL MUNDO! Hindi po natatapos ang programa natin sa isang proyekto lamang o sa isang ningas kugon lamang, gusto po nating lahat ito ay MAGPATULOY, hindi lamang ngayon kundi PANGMATAGALAN para sa mga bagong sibol na Mamayan at Kabataan! Maging Mabuting Halimbawa po sana ang bawat isa sa mga batang Taga Del Mundo para naman po may isang Makulay na Kinabukasan para sa mga bagong KABATAAN!
Abangan pa po natin ang mga darating na magagandang proyekto at programa na ating ilulunsad sa mga susunod pa pong panahon. Marami pa po tayong nais ibahagi sa lahat at alam po namin na narito tayong lahat hindi po para magpaImpress kundi para TUMULONG po ng buong puso sa ating Barangay! Ipagpaumanhin po ninyo kung kami ay mayroong mga PAGKUKULANG, o PAGKAKAMALI sa anumang paraan. Sana po maunawaan po ninyo na karamihan po sa aming mga opisyales ay nasa labas ng ating bansa at may kanya-kanyang trabaho at personal na pinagkakaabalahan din po, pero kami po ay NAGSISIKAP sa abot ng aming makakaya na maisakatuparan lahat ng projects na alam namin ay inyong Ipinagkatiwala sa aming mga kamay, at SINISIGURADO naman po namin sa inyo na hindi po ninyo panghihinayangan ang inyong SUPORTA AT TIWALANG ibinigay sa amin! Salamat po at Mabuhay kayong lahat!
Location : Corner ng Laiya Likod ng School (Don Bernardo Elem.)Location : Kanto (centro)
Location: Halos tapat ng bahay nila Ka Fely Samarita
Location: Proper (papuntang aplaya)
Location: Katabi ng Brgy. post
Location: Proper waiting shed
Location: Kanto-Crossing ng papuntang Canlumon
Location: Fish Port-Laiya
Loation: Landing Uno(1)- Sampaloc
Location: Landing Dos (2) -
Katapat ng bahay ni Konsehal Valentin
Location: Proper-Tabi ng Tindahan ni Ate Sally Sayse
Location: Corner-Bungad ng Balanga -
Tapat ng Tindahan nila Ka Kiko Perez
Location: Backstage ng Don Bernardo Elem.
Tapat ng bahay nila Treas. Dharz Solanoy
Location: Centro -Tapat ng Brgy. Hall
Location: Centro Highway-
Tapat ng Bahay ni Sangil
Location: Laiya waiting shed
>Tapat ng bahay ni Emily Romero
Fe Del Mundo National Highschool
Ano at sino nga ba ang TAGA DEL MUNDO?

Ang Taga Del Mundo Ako Group po ay isang baguhang samahan pa lamang na binubuo ng mga OFW at Concerned Citizens ng Barangay B. del Mundo, naglalayong makatulong sa ikauunlad ng aming mahal na Brgy. Del Mundo. Makapaghatid ng isang malinaw na mensahe at inspirasyon sa bawat isa sa atin, na hindi kailanman hadlang ang pagiging mahirap upang umunlad ang isang simpleng kumunidad! Patuloy po kaming nangangalap ng karagdagang pondong financial para sa mga proyekto at programa ng aming grupo. Ang bawat sentemong pondo na aming nalalakap ay derekta pong inilalagak namin sa opisyal na bank account ng Taga Del Mundo Ako Group -Account.no.: 51-14113-4. Acct.name: B.Del Mundo Responsible Citizen (BDMRC) . At lahat po ng reports na magmumula sa aming pondo ay bukas sa publiko na makita at alamin ang nilalaman ng naturang account. Amin din pong inilalatag sa opisyal na facebook account ang mga detalye ng bawat programa at proyektong aming ginagawa for transparency. Kami po ay hindi isang Political group o alinmang may personal na kaugnayan sa pulitika. Gayunpaman po nararapat lamang po na kami ay makipag-ugnayan sa aming mga lokal na opisyal sa Brgy. Del Mundo specifically sa aming butihing Capt. Armando Samarita upang mas matulungan kaming maipatupad ng maayos ang mga proyekto sa Brgy. Del Mundo. Naniniwala po kami na hindi sapat na rason ang pagkakaroon ng payak na pamumuhay para makalimutan nating alagaan at linisin ang ating kapaligiran. Lahat tayo ay may obligasyon at pananagutan bilang tao na maging responsableng mamayan, panatilihin natin ang disiplina at kalinisan!
Ps Note:
Malugod po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga kababayan at mga kaibigan namin na walang sawang sumusuporta , naniniwala at nagtitiwala sa aming mga mabubuting adhikain at kakayahan! Kami po ay nalulugod sa ipinapakita ninyong suporta, maging pinansyal man, kaalaman , moral, o ispirtual ay napakahalaga o sa aming lahat dahil ito ang nagbibigay ng lakas ng loob at inspirasyon na ipagpatuloy namin ang pagsisikap na makatulong sa ikauunlad ng Brgy. Del Mundo! Sana po sa aming paglalakbay ay patuloy pa rin kayong nakaagapay upang kami ay laging gabayan at suportahan! Nag-uumpisa pa lamang po ang ating paglalakbay at alam naming maraming malulubak na parte ang aming susuungin ngunit buo sa aming isip at mga puso na maraming butihing puso ang gagabay sa amin at sana huwag nating hayaang maging isang NINGAS KUGON lamang ang magandang simulaing ito! Maraming salamat po sa inyong lahat! God bless! Ipagpatuloy ang disiplina at pagbabagong ating nasimulan ng sa gayon ang bagong henerasyon ay mayroong isang Malinis na Kapaligiran at Masaganang Kinabukasan!
Para sa mga karagdagang impormasyon maari nyo pong bisitahin ang aming Facebook account Taga Del Mundo Ako!
TAGA DEL MUNDO AKO REPERESENTING OFFICIALS
GIANINNA CONTADO
Admin In Charge of Taga del Mundo Ako Facebook Account
Treasurer (Israel)
JORJANNA PAPASIN
Secretary (Canada)
MYRA MANING
Secretary (New York)
AILEEN DIMATULAC
Assistant Treasurer (Israel)
LIEZEL AYAP
Israel Coordinator
Christine Del Mundo
Secretary (Philippines)
Darwin Solanoy
Treasurer (Philippines)
CAPT. ARMANDO SAMARITA
In Charge (Philippines)
CHRISTIAN DEL MUNDO
Vice President (Qatar)
NERISSA G. DOMINGO
President (South Korea)
PROUD TO BE TAGA DEL MUNDO AKO!
Subscribe to:
Posts (Atom)


















