Eto po ang ilang mga updates sa project nating basurahan, Napinturahan na po, Nailagay na din sa mga lugar na matao. We consider po ung matao na lugar obviously po kapag matao ang lugar maraming nagkakalat ng basura. Kasabay po ng layuning ito na sana matuto tayong lahat ng tamang disiplina sa kapaligiran. Mga slogans nalang po ang kulang para sa kabuuan ng ating unang proyekto.
Kami po ay patuloy na Nagpapasalamat ng buong puso sa inyo pong lahat na mga kababaryo namin at mga kaibigan na patuloy pong sumusporta, patuloy pong nagdarasal ng katagumpayan ng ating mga adhikain. Nagpapasalamat din po kami higit sa lahat sa ating butihing Kapt.Armando Samarita na alam po namin na kayo ay isa sa malaking bahagi ng proyektong ito at sa mga darating pang proyekto natin para sa mga TAGA DEL MUNDO! Sa amin pong mga kapwa opisyales ng grupong Taga Del Mundo Ako, Salamat sa pagiging bukas palad at buong pusong pagbibigay ng panahon at mga paghahayag ng magagandang suhestyun na ang laging sentro ay ang Makatulong sa kapwa taga Del Mundo! Kay Treas. Dharz Solanoy na napakasipag mag-updates kahit na anong busy nya sa trabaho, kay Mr. Marvin (block-Black) na kaisa na rin po natin sa programang ito, w/c is naatasan po at napakisuyuang ayusin ang Slogans for the garbage project. Sa mga hindi namin pwedeng kalimutang napakabubuting Sponsors & Donors na kusang nagpapaabot ng kanilang tulong. Hindi lamang po ninyo alam kung gaano namin kayo pinapasalamatan maging ang mga moral & spiritual supports po ninyong lahat ay NAPAKAHALAGA sa amin upang patuloy kaming maging matatag, mas pursigido at inspiradong ipagpatuloy ang nasimulan nating pagbabago tungo sa isang Maunlad, Disiplinado at Nagkakaisang mga TAGA DEL MUNDO!
PS.
Kayo pong lahat ang aming lakas. ang aming gabay, kaya kami po ay patuloy na dumudulog na GABAYAN nyo po at patuloy na SUPORTAHAN ang TAGA DEL MUNDO! Hindi po natatapos ang programa natin sa isang proyekto lamang o sa isang ningas kugon lamang, gusto po nating lahat ito ay MAGPATULOY, hindi lamang ngayon kundi PANGMATAGALAN para sa mga bagong sibol na Mamayan at Kabataan! Maging Mabuting Halimbawa po sana ang bawat isa sa mga batang Taga Del Mundo para naman po may isang Makulay na Kinabukasan para sa mga bagong KABATAAN!
Abangan pa po natin ang mga darating na magagandang proyekto at programa na ating ilulunsad sa mga susunod pa pong panahon. Marami pa po tayong nais ibahagi sa lahat at alam po namin na narito tayong lahat hindi po para magpaImpress kundi para TUMULONG po ng buong puso sa ating Barangay! Ipagpaumanhin po ninyo kung kami ay mayroong mga PAGKUKULANG, o PAGKAKAMALI sa anumang paraan. Sana po maunawaan po ninyo na karamihan po sa aming mga opisyales ay nasa labas ng ating bansa at may kanya-kanyang trabaho at personal na pinagkakaabalahan din po, pero kami po ay NAGSISIKAP sa abot ng aming makakaya na maisakatuparan lahat ng projects na alam namin ay inyong Ipinagkatiwala sa aming mga kamay, at SINISIGURADO naman po namin sa inyo na hindi po ninyo panghihinayangan ang inyong SUPORTA AT TIWALANG ibinigay sa amin! Salamat po at Mabuhay kayong lahat!
Location : Corner ng Laiya Likod ng School (Don Bernardo Elem.)Location : Kanto (centro)
Location: Halos tapat ng bahay nila Ka Fely Samarita
Location: Proper (papuntang aplaya)
Location: Katabi ng Brgy. post
Location: Proper waiting shed
Location: Kanto-Crossing ng papuntang Canlumon
Location: Fish Port-Laiya
Loation: Landing Uno(1)- Sampaloc
Location: Landing Dos (2) -
Katapat ng bahay ni Konsehal Valentin
Location: Proper-Tabi ng Tindahan ni Ate Sally Sayse
Location: Corner-Bungad ng Balanga -
Tapat ng Tindahan nila Ka Kiko Perez
Location: Backstage ng Don Bernardo Elem.
Tapat ng bahay nila Treas. Dharz Solanoy
Location: Centro -Tapat ng Brgy. Hall
Location: Centro Highway-
Tapat ng Bahay ni Sangil
Location: Laiya waiting shed
>Tapat ng bahay ni Emily Romero
Fe Del Mundo National Highschool
No comments:
Post a Comment