Ikinagalit ng mga Pilipino ang isang eksena sa season 4 premiere ng "Desperate Housewives," isa sa pinakakaabangang palabas sa telebisyon Amerika noong Linggo ng gabi.
Laking gulat ng Pilipinong TV viewers nang marinig ang nakakainsultong pananalita ng karakter ni Teri Hatcher sa programa na nilalait ang kalidad ng mga doktor mula sa Pilipinas.
Mabilis kumalat ang balita sa Internet at kasabay nito, ang galit ng Filipino community.
Dismayado rin ang mga Pilipinong diplomat at dahil dito, nakatakdang maghain ng “letter of protest” sa ABC Broadcasting Corp. ang Philippine consulate sa New York.
"Pang-iinsulto iyan sa ating magagaling na doctor dito sa America. So ang konsulado, magpapadala kami ng letter of protest sa programang iyan, sa ABC," pahayag ni Cecille Rebong, ang Philippine consul general sa New York.
Ilang manonood ng "Balitang America" sa The Filipino Channel ang nagpadala ng e-mail ng kanilang opinyon at nagprotesta rin at ipinagmamalaki ang mga Pilipinong doktor at nurse na nasa Amerika.
Hindi makapaniwala ang marami na may nagaganap pa rin na ganitong uri ng diskriminasyon at racism sa Amerika.
"Hindi ko malaman kung anong base nila diyan. I've been in the US for several years and I have yet to meet an American who doesn't have good words for Filipinos in the medical profession," sabi pa ni Rebong.
Sa ngayon, libo-libong Pilipino ang pumirma na sa online petition laban sa ABC na humihingi ng public apology.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot ang ABC network at ang creator ng show na si Mark Cherry.
Samantala, patuloy na lumalago ang galit ng Filipino community sa America sa nakakainsultong pahayag
No comments:
Post a Comment