Hindi lang yung kasikatan at pera ang basehan para kunin mong sponsor yung tao. Natawa ako ng minsan, tumawag ang Nanay Baby ko, kinukuhang Ninong daw ang anak ko si Noah w/c is 7years old lang that time. Una kong reaction, normal ba yang kumukuhang sponsor sa anak ko? Pakisabe nalang po Nay hindi ko pinapayagan ang anak ko maging NINONG sa edad nyang yan hanggat hindi nya nauunawaan ang ibig sabihin ng NINON o pangalawang magulang sa magiging inaanak nya. Para sa akin sagrado ang pagiging Ninong at Ninang, sabe ko sa Nanay para hindi nakakahiya sa kumukuha, kung gugustuhin nila ako na lang kamo ang kuning Ninang ng bata, dahil kalokohang malaki ang kunin mong Ninong e walang muwang sa takbo ng buhay at inosente din na katulad ng inaanak. I mean, tatayo kang pangalawang magulang, ano ang pwede mong ituro sa inaanak mo, na ikabubuti nya, kung ikaw mismo ay walang nauunawaaan sa buhay.
Nung ikinasal ako may mga Ninong at Ninang kami na hindi namin gaano kilala sadya, O maybe ako hindi ko masyado kilala, as a bride & groom normally hati ang pagpili ng Ninong at Ninang, buti nalang yung mga taga Sta. Brigida na Ninong at Ninang namin ay naging masugid na pangalawang magulang namin. Nakakahiya nga lamang minsan at hindi ko matandaan ang pangalan! (buti nalang d pa uso ang internet sa mga Ninang/Ninong!) hahaha! Meron din naman na sadyang nagprinsintang Ninong at Ninang namin, and I must say na naging karamay ko sila noong panahon na kailangan ko ng kaagapay na magulang and even until now, nandyan pa rin sila para sa anak namin bilang mga Lolo at Lola. Natural meron din namang, "meron" , na hindi ko alam kung ipagmamalaki ko o hindi, pero siguro mas mainam na hindi! Yung respeto ko nalang siguro bilang inaanak nila, kahit may kapalpakan nga daw e huwag na sa akin magmula ang pagsigaw sa publiko! May tamang paraan, tamang pagkakataon at tamang lugar para pag-usapan kung anuman ang mga bagay-bagay na dapat nilang malaman.
Binyag ng anak ko, nakakatuwang malungkot. Masaya dahil binyag nya at magiging ganap na syang kristyano, malungkot dahil magkahiwalay na ang mga magulang nya that time yet we still manage to be there for him. I like the selections of my Noah's Ninong & Ninang. Well, of course may mga special request as usual. But most of them, totoong KAIBIGAN KO, like Ninang Janai at Ninong Raffy ni Noah, mga kaklase ko pa nung grade school. Ninong Raffy nya kada uwi from Batangas hindi pwedeng hindi nya dadalawin si Noah at lalaruin gang makatulog na sa kanya sad lang at maagang sumama kay Lord ang Ninong Raffy nya. Ang Ninang Janai naman kahit lokaret daw sa labas, kapag kailangan ko ng kaibigang makikinig, nanjan lage yan matyagang makinigg at magpayo. (matino naman ang payo) Kaya love ko yan si Mareng Janai! hahaha! Pareng Darwin syempre fav Ninong ni Noah ngayon dahil sya ang nasa Del Mundo lagi, at nakikita . Ay naku, e wala na nga palang Ninong halos si Noah, at nakay Lord na lahat, ay ano ba naman yun!Kaya ang pareng Dharz nalang nga talaga ang fav, ahahhaha! Ang Ninong Darwin naman nya, kinuha kong personal na maging Ninong dahil kaibigan sya ng Kuya George ko at kilala kong mabuting tao, laking simbahan, at higit sa lahat a good provider ng pamilya nila, kaya alam ko kapag may kailangan si Noah na tatakbuhang pangalawang magulang, nanjan ang Ninong nya. I'm really thankful for that kay Pareng Dharz dahil naalalayan nya si Noah ng pangaral kahit papaano lalo na at wala kami sa tabi nya. Ninong Kirby nya nasa Cavite naman, huwag sana turuan mambabae si Noah! At ang aking Mahal na Midwife syempre si Mareng Mel, at si Kuya Toto na lagi din kinukuha si Noah sa bahay para alagaan at hanggang ngayon ang Ninang Mel nya ang tinatakbuhan kapag may sakit si Noah, lalo na noong nasa medicare na nagkasakit si Noah. Si Ate Mercy family friend namin, asawa ni Kuya Lauro, na lasenggo! hahaha! Pero wag nyo smolin si Kuya Lauro , malaki respeto nyan sa pamilya namin, at si Ate Merz na Mahal na mahal ko syempre, loyalista yan e.hahaha! At kahit katayin mo yan hindi yan babaliktad sa pamilya ko, ipagtatanggol at ipagtatanggol nya ako, ganyan ako kamahal ni Ate Merz , pag-iyak ko iyak din sya, bantay sya gang nanganak ako nasa tabi ko sya, kapag may hapon dinadalaw nya si Noah para icheck at hihilutin baka may bali. Nakakatuwa isipin, na hindi pera ang kelangan mo para kunin ang isang tao, dahil ang pera pwede mo pagtrabahuhan yan, pero ung totoong pagmamahal at pagmamalasakit hindi mo kayang bayaran ng pera yan! Karamihan naman sa Ninong ni Noah, kaibigan talaga ng pamilya namin at even Mama Gladz nya w/c is obviously Auntie nya, or ang Nanay Inday (Ate Irene) eldest sister ng Daddy Jojo nya, Ate Vanie cousin naman namin. Si Ninang Chie Villar naman parang kapamilya na din namin dahil ang Tatay naman nya ay bestfriend ng parents ko, at hanggang ngayon nanjan sila nakaalalay kay Noah at kay Nanay Baby!
Kalamangan sa resulta ng Ninong at Ninang ni Noah at sa kasal namin mas lamang naman ang maganda kesa palpak. Dahil karamihan sa Ninong at Ninang namin nanjan palagi para patuloy kaming gabayan at alalayan. Even yung hindi namin masyadong kilalang Ninong at Ninang nung una, nagulat pa ako ng burol ng Papa ko, nagsidatingan sila para damayan ako. Kaya yung Sta. Brigida parang extension ng bahay namin, 2nd home kung tawagin ko dahil nung nandun kami sa bahay ni Ate Irene, naging malapit din ako sa kanila, very friendly at matulungin din naman kc ang mga taga duon. Biruin mo ng dinugo ako, isang jeep sila sumugod sa Del Mundo sa pag-aalala saken! hahaha! Ganyan ako kamahal ng Taga Sta. Brigida, makapagpaampon kaya sa kanila? ahahha!
Kaya kayo kapag kukuha kayo ng Ninong at Ninang, make sure na kakilala nyo talaga at sigurado kayo na magiging pangalawang magulang sila sa anak ninyo. Ang dame ko na din inaanak, and to be honest nakakalungkot na hindi mo magampanan yung responsibilidad sa kanila bilang pangalawang magulang. Una malayo ako sa kanila, yung iba nawalan ng communication saken, but as much as I can yung alam kong pwede ko mareach out , I want to try to be a there for them at least once in a while. Bilang mga pangalawang magulang naman , sana magampanan din natin kahit papaano ang obligasyon sa kanila, hindi sa regalo, hindi sa pera, yung moral at pagmamahal, pagmamalasakit ang mahalaga! Hindi porket politician kelangan kunin nyo ng Ninong o Ninang, o porket nasa abroad dapat yun dahil mapera. Mas masarap yung alam mong nanjan sila dahil nagmamalasakit silang totoo at alam mong alalayan ka nila sa tamang daan.
No comments:
Post a Comment