Pinoy Vinegar...Pinaasim ng Pnahon







Pinaasim ng panahon

Nakatanim na sa kultura at pamumuhay ng Pinoy ang paggamit ng suka.

Para sa mga ninuno natin, ito ang nagsisilbing preserbatiba, dahil suka ang ginagamit nilang pang-imbak sa mga pagkain para hindi ito mabulok. Ngayon, ang suka ang malimit na ka-partner ng toyo bilang paboritong sawsawang Pinoy.

Dinayo ng 100% Pinoy ang Sorsogon kung saan matatagpuan ang malaking produksyon ng coconut vinegar sa bansa.

Sari-saring suka

Bukod sa niyog, ang suka ay maaaring manggaling din sa tubo, kaong o sugar palm, at sasa o nipa palm.

Ito ang dahilan kung bakit maraming uri ng suka tulad ng sukang Iloko, suka ng Indang, Cavite at sukang Paombong.

Nakalalasing na asim

Alam nyo ba na dahil sa dinadaanan nitong fermentation process, bago maging ganap na maging suka, ang katas ay maaari ring gawing alak?

At kung sukang-alak rin lang ang pag-uusapan, syempre, di pahuhuli ang "basi" ng Ilocos na siyang itinuturing na pinakasikat sa mga sukang-alak na matatagpuan sa bansa.

The all-around suka

Maliban sa gamit nito bilang panghalo sa pagkain, marami din ibang pwedeng pagkagamitan ang suka. Dahil sa iba-t'iba nitong mga katangian, ginagamit din ang suka sa paglilinis, pagpapa-byuti at maging sa medisina

Credits: xeonxinfinite07

No comments: