Diskriminasyon sa mga kapatid nating muslim sa loob ng paaralan. Dapat nating malaman na lahat ng tao ay may karapatan , maging muslim or kristyano man ang relihiyon natin, hindi ito isang katanungan o isang alituntunin sa pagnanais na makapag-aral ang isang bata sa loob ng paaralan o university. Hindi katanungan ang ""ANO BA ANG IYONG RELIHIYON" sa pagnanais na makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang pangarap. Lahat tayo bilang tao ay mayroong kanya-kanyang karapatang pantao na dapat nating irespeto. Maging muslim ka man,Kristyano, o sa anong relihiyon ka pa nabibilang.Lahat tayo may damdamin na maaring masaktan, sa bawat pag aalipusta ng ating kapwa. Matuto sana tayong rumespeto sa bawat isa, sa bawat tradisyon, kaugalian, kasuotan at paniniwala ng bawat nilalang.Maging isang magandang aral nawa sa bawat isa satin ang inyong mapapanood sa artikulo na ito. Huwag natin husgahan ang ating kapwa ng dahil sa relihiyon, o kasuotan nila, huwag sana nating ipapasan sa kanila ang kasalanang hindi sila ang gumawa, bagama't karilihiyon nila or kahit maging ama man nila ang nagkasala, ang kasalanan ni Pedro ay hindi tamang ibintang at pagdusahin si Juan. Si Juan ay si Juan , at si Pedro ay si Pedro, hayaan nating mamuhay ng normal, malaya at naaayon sa makataong pamumuhay ang ating mga kapwa Filipino, maging Muslim man O kristyano sila. Lahat tayo ay dapat na maging pantay pantay sa pagrerespeto ng kapwa Filipino.Hindi matatapos ang karahasan o mababawasan ang karahasan kung patuloy ang diskriminasyon sa lipunan.....Bangon Filipino patunayan nyo na marunong kayong makipagkapwa-tao!!
Kasing gulo ng tao, kasing gulo ng mundo
Dahil di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo, nagkagulo.
Ang bayan ko sa Cotabato, kasing gulo ng isip ko
Di alam kung saan nanggaling, di alam kung saan patungo
Kapatid sa kapatid, laman sa laman
Sila-sila ang naglalaban, di ko alam ang dahilan ng gulo.
Bakit nagkaganon, ang sagot sa tanong ko
Bakit kayo nagkagulo, bakit kayo nag-away
Prinsipyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo, di sana magulo ang bayan ko.
Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo, ang gulo.
Ako'y nananawagan, humihingi ng tulong n'yo
Kapayapaa'y bigyan ng daan, kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban, magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo, kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko?
Kung ako'y may maitutulong, tutulong nang buong puso
Gitara ko'y aking inaalay, kung magkagulo'y gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso, puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong isang kaibigan
Isipin mong siya'y may puso rin katulad mo.
Coda:
Sa bayan kong sinilangan (bakit may gulo...)
Sa timog Cotabato (sa timog Cotabato)
Ako ay namulat (kailan matatapos...)
Sa napakalaking gulo (ang gulo)
Dahil walang respeto (kailan magkakasundo...)
Sa prinsipyo ng kapwa tao (ang tao)
Kapwa Pilipino (kapwa Pilipino...)
Ay kinakalaban mo (bakit kinalaban mo)
Ang gulo
No comments:
Post a Comment