Reporters Notebook-Gutom at Malnutrisyon sa Pilipinas






Gutom
Ulat ni Jiggy Manicad

Dalawampung porsyento ng mga sikmura sa bansa ay gutom ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.

Isa ang bayan ng South Upi, Maguindanao sa pinakamahirap na lugar sa bansa. Ang mga residente ay salat sa maraming bagay. Walang tubig o kuryente. Pero ang mas malalang problema nila: kumakalam na sikmura.

Mais o asin lang ang karaniwang inihahain sa kanilang mga hapag-kainan. Kaya ang resulta, mga katawang kulang sa nutrisyon na halos butot balat na ang itsura.

Sa ibang lugar sa Metro Manila, hindi rin nalalayo ang problema. Kung anu-anong paraan na ang ginagawa ng ilan, makadiskarte lang ng ilalagay sa kanilang gutom na tiyan.

Kamakailan, isang bilyong pisong muli ang inilabas ng Palasyo upang tugunan ang problema. Dagdag sa bilyon-bilyong pisong pondong inilaan para rito sa mga nagdaang taon. Pero bakit hanggang ngayon, hindi pa rin naiibsan ang matinding gutom sa ilang bahagi ng Pilipinas?

No comments: