Are you a member of any Fraternity/Sorority like Triskelions?
I've got some messages asking kung member ako ng any fraternity/sorority, dahil sa pagsuporta ko sa Triskelions San Antonio Chapter . Hindi ako member ng alinman po sa APO, TAU Gamma Phi, AKRHO. Proud member po ako ng Taga Del Mundo Ako Charity Group, aiming to support , help, be productive to our community. Kung sinusuportahan ko man po ang Triskelions San Antonio Chapter , it's my personal rights, opinion, beliefs na ang bawat tao maaring maging kapaki-pakinabang lalo na ang mga KABATAAN kapag nagabayan ng tama at sinuportahan ng nararapat sa mabuting layunin nila. Hindi natin kelangan maging member ng isang group para suportahan sila kung nakikita nating nasa tama ang kanilang layunin at ginagawa! At kahit anong grupo, fraternity/sorority ay susuportahan ko kung naniniwala ako na maganda, maayos at makakatulong sa bawat isa ang kanilang grupo at ang mga nanunumo sa kanila! Ngunit hindi ko hinihikayat ang sinumang KABATAAN na maging member ng alinman sa mga kapatirang nabanggit, dahil akuman po ay hindi nila kamember, at hindi natin kailangan magpamember para makiisa sa kumunidad. At kung may pagkakamali man sila, katulad natin tao lang din ,lahat nagkakamali, lahat may pagkukulang walang perpekto, hayaan natin sila maggrow, turuan natin ng tama, at gabayan! Papano nila malalaman ang tama at mali, kung tayo na nakakakita ng tama o ng mali ay nagsasawalang kibo, bakit d natin sila suportahan sa maganda nilang sinisimulan. AT Kung mali sila, pagsabihan natin sa mabuting paraan, sa mahinahon na paliwanag lahat naman nareresolbahan!
Gaya ng sinasabe ng mga group ng iba't-ibang kapatiran, kapatiran, magkakaibigan, bakit hindi natin subukang tapusin ang alitan? Magtulong-tulong tayong lahat, mapaTAU, Akrho, APO etc, para sa ikakaayos ng bawat isa. Ano ba ang layunin ng kapatiran nyo? Kumpetensya? Pagalingan? Pasikatan? Pataasan ng pride?, then ano nakukuha natin sa kaguluhan, sa pagpapataasan , sa payabangan, meron ba? Bakit hindi natin baguhin ang panget na imahe ng fraternity, na kapag naririnig natin, unang pumapasok sa ating isipan, "KAGULUHAN, BAYOLENTE, HAZING" ....Hindi ba pwedeng lahat tayo maging magkakakaibigan, magtutulungan, magkakasiyahan!?
Huwag natin paikliin ang pang-unawa, hindi natin kailangan ang kompentsya sa mundo, ang inggitan at selosan. Sadyang hindi po ako nagpapamember sa ano mang fraternity/sorority para maiwasan ang negatibong saloobin ng ibang mga kaibigan/kapatiran na malalapit saken. Ariba Triskelions San Antonio Chapter!!!! AT sa iba pang mga fraternity/sorority na patuloy na gumagawa ng magagandang programs, projects "SALUTE" para sa inyong lahat!!!
I'f you're doing the right thing in life, I will admire you, support you whoever you are, what race you came, what color, what language you speak. That's what life is, being meaningful in your simple way, making your life happy in every lil things around you, avoid making complication for a very uncomplicated situation! Happy weekends! ♥
No comments:
Post a Comment