Ugaling Ofw - Buhay Ofw : Israel


Nung 1st week ko pa lang dito sa Israel from Batyam off ko pauwi ng Netanya,nagpahatid ako sa Taxi sa Tel-Aviv Station, hanap ko Van 4 Netanya. Sim na bigay saken nagblock nman that time.Ask ko isang Pinay sa loob if derechong Netanya Station ung Van sbe ko just a week pa lang ako kaya d ko pa alam. Tiningnan ako, mula ulo gang talampakan,inismiran,tinaasan ng kilay! (taray ni Manang d ba!) Ask ko si Israeling Driver,politely sinagot ako sabe ko, 2 stop light before station ibaba nya ko. Sure daw,kaya wag ako mag-alala at sa likurang upuan nya ko maupo para makita ko kaagad. Ugali nga naman ng Pinoy, nakatungtong lang ng ibang bansa akala mo hindi na nakakaunawa ng tagalog!
  Pabalik ako from vacation ng Pinas. Sa Hong Kong Airport marami akong nakasabay na naghihintay ng susunod na flight namin para sa HK- Tel Aviv. May isang Pinay na may edad na 1 st timer nag-aabroad. Nenerbyos syempre dahil marami daw padala ang agent nya, knowing El-Al kc masyadong mahigpit. Kwentuhan dahil matagal pa ang susunod na byahe, buhay-buhay. May isang pasosyal na pabalik din mula sa bakasyon, sabi ni Manang na 1st timer, tinanong kung kamusta ang buhay sa Israel at trabaho. Syempre payabang si pasosyal, ganda daw ng work nya, mapera, sunod sa luho, naninilaw sa ginto parang may hepa lang! ahhaha! Maya-maya pa ayaw na manahimik ng saksakan ng yabang na pasosyal,kesyo graduate sya ng ganitong kurso,at propesyunal daw sya, ng bigla tanungin ni manang na baguhan kung ilang taon na sya sa Israel at ilang balik na.Sagot ni yabang, 2 taon na ako at pabalik na galing bakasyon! Bigla ako tinanong ni pasosyal, ikaw 1st time mo rin ba? Ay naku kung 1st timer ka, dapat ganito ganun ka. Sabe ko Ate 4 na taon pa lang po ako, at kahit kelan hindi naging requirements sa Caregiver ng Israel kung graduate ka ng nursing or graduate ka ng caregiver course. Kahit high school ka lang basta marunong ka magpasensya sa matanda at mag-alaga pupwede ka! Kahit anong kurso pa natapos mo, iisa lang ang trabaho natin pare-pareho taga hugas ng pwet ng Hudyo, at alipin sa ibang bansa. Kaya ikaw manang wag ka po matakot kc patas lang kahit sino pa mga yan, iisa lang trabaho natin sa Israel, huwag mo pansinin yang mga kakabayan natin na nuknukan ng yabang sa katawan! ( si pasosyal nanahimik bigla!) Hanggang tawagin na ang plane na sasakyan namin para sa HK- Tel -Aviv. Sinamahan ko si Manang para sa check in baggage nya na kinakalkal ng 2 Jewish, pobreng si Manang nangangatog sa nerbyos sa dami ng padala ng agent nya, tinuruan ko nalang si manang ng isasagot nya sabay bola-bola sa Israeli na mababaet naman.
Hay buhay OFW nga naman, bakit ba hindi natin iwasan ang sobrang kayabangan. Bakit hindi nalang magtulungan kapag nakita mong may kapwa ka kababayan na nangangailangan ng guidance dahil isang baguhan. Buhay OFW nga naman akala nila masarap sa ibang bansa, akala nila pinupulot lang ang pera. Bawat sentimo dugo at pawis, pangungulila sa pamilyang nawalay ng matagal. Magtitiis sa hirap at pagod,sa pang-aalipusta ng salbaheng mga amo. Sasabayan pa ng kapwa mo Filipinong masasamang ugali rin, na imbes protektahan ang kapwa Pinoy madalas sila pa ang nagtuturo at naglalagay sa kapahamakan ng kababayan natin. Puro inggitan hindi lang sa abroad, kahit sa Pilipinas kapag nakita nilang umaahon ka sa hirap, nagsisikap, sisiraan ka, chichismis ka ng kung anu-anong masasama, hindi nalang matuwa sa pag-unlad ng kapwa at baka sakaling makatulong din sa kanila balang araw. Kaya hindi tayo umuunlad masyado minsan makikitid ang utak, at mahilig sa pansariling pangangailangan.
Minsan lang daw kumatok ang oportunidad sa buhay ng tao , kaya kapag ibinigay sayo ng Dios huwag mo sayangin. Kapag hawak mo na huwag mo basta pakakawalan ng walang kasiguraduhan. Pero wag mo rin sana kakalimutan ang buhay hindi lang laging sentro ay ang P-E-R-A. Ang pera nakakatulong para tayo gumihawa pero ang DIOS at pamilya kahit kelan hindi ka iiwan, at dapat hinding-hindi mo tatalikuran! Sa mga pamilyang naiwanan sa Pilipinas ng mga OFW sana kahit papano maunawaan nyo rin ang hirap ng OFW na hindi madali ang malayo sa inyo. Nasa malayo kami para maibigay ang buhay na maalwan hanggat maari hanggat kakayanin namin. Hindi pinupulot ang dolyar sa ibang bansa, pinaghihirapan namin, at pinagdurusahan namin sa pagsapit ng gabi ang lungkot at pagod sa trabaho at pagkasabik sa mga naiwang pamilya.Kaya sana pahalagahan nyo ang pinapadala nila para sa inyo. Sa may mga asawa sana wag naman kayo mangaliwa habang ang asawa nyo sa ibang bansa naghihirap. Kayo namang mga nasa ibang bansa may mga pamilya kayong naghihintay sa Pilipinas umaasa sa inyong pagbabalik na isang araw mabubuo muli ang pamilya nyo kaya hanggat maari isa-puso nyo na kaya kayo nasa ibang basa para sa magandang kinabukasan ng pamilya nyo, hindi para abandunahin ang naiwanang pamilya nyo. Sana lahat tayo maging matatag sa lahat ng pagsubok, hindi simple ang buhay pero hindi natin kinakailangang gawing mas kumpilikado pa ang sitwasyon. 



Isang pagpupugay sa mga OFW na pilit nagsisikap , nagpapakatatag para sa pamilya nila! Sabe nga habang may buhay, may pag-asa. Lagi mong isa isip, isa puso na may Dios na nakikinig sa lahat ng hinaing natin ,lahat ng paghihirap natin idalangin mo sa KANYA. Huwag mo hayaang masira ang magandang kinabukasang nakaabang sayo ng dahil sa problema, ng dahil sa depresyon, huwag ka susuko basta, huwag ka hihinto sa pag-abot ng mga pangarap mo at pangarap ng pamilya mo. Let God be your guidance & let HIM be your leader. God bless everyone.

No comments: