Ang dame kong Ayaw noon, ang dami kong Takot, Insecurities, nerbyos,sa sobrang dami halos gusto ko na magtago at sabihing ayaw ko na kakatakot ka! hahahaha! Madalas tuloy noon kapag ganyan ang topic namin, nagagalit o napipikon saken kc nga naman ang kulit, e sa nenerbyos ako e ano ba magagawa ko? Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay,normal na reaction ang matakot at maging maingat sa bawat desisyon at pinapasok na buhay. Pero papano ka nga ba makakamove on kung patuloy mong katatakutan ang bukas dahil sa pangyayaring meron ka kahapon? Papano nga ba ako makakaahon sa kahapon kung ayaw ko iwan ang masamang malungkot na nakaraan at harapin ang para sa magandang kinabukasan. Hindi madali pero nararapat gawin. Siguro dapat ipagpasalamat ko na malawak ang pang-unawa ni Angel pagdating sa sensitibong bagay ng buhay ko. Nang sabihin nya ang mga katagang; " Kaya kitang isabay/ipantay sa kanila,at kaya kong bumaba sa pwesto mo kung kinakailangan para mag-abot/magkapantay na tayo kaya hindi mo kailangan matakot sa mundo ko." Dahil kahit kailan hindi naging batayan ang antas ng buhay para maging hadlang. Napangiti ako sabay patak ng luha,madrama siguro, pero sa isang ordinaryong babae na maraming hirap na pinagdaanan mahalaga at nakakatuwang marinig ang mga salitang makakapagpanatag kahit papano sa takot na nararamdaman mo. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng kapitasan mo, kakulangan sa ibang bagay at pagkatao marahil, handa ka tanggapin bilang ikaw, bilang buo na tao, nirerespeto at pinapahalagahan. Higit sa anumang ginto o kayamanan sa mundo, ang kasiyahan na mararamdaman mo, lage kong tinatandaan kapag sinasabi nya na tanging ang Pagkatao, Prinsipyo lang natin ang tanging Yaman natin Rainbow na pwede natin ipagmalaki. Na kahit kelan ay hindi kaya tumbasan ng pera o karangyaan kaya dapat iingatan mo lagi.
Maraming bagay akong natutunan kay Angel, sa takbo ng buhay, sa panuntunan sa buhay. Prinsipyo at paniniwala sa iba't ibang bagay, na lagi kong pinagpapasalamat sa Dios. Hindi ko lang sya naging BF, kaibigan ko rin sya, isang Matalik na Kaibigan na pwede ko hingan ng payo, kaibigan na itinatama ako kapag nagkakamali sa paraang mararamdaman mo na nagmamalasakit sayo. At kapagnahuhuli ako sa kalokohan kong alam kong mali ko, hiyang-hiya ako,para akong bata na nahuli ng tatay at parang santa sumagot sa tagalitis! I thank him for that, dahil naitatama nya ang mali kong ugali at kilos. Dati sobra ang takot kong makausap o makaharap ang pamilya nila, or clan. Hindi ko kasi alam kung pareho ba ng ugali nya , o baka iba, o baka magkamali ako maging kahihiyan pa nya ako. Nung minsan nakausap ko sila online,akala ko sya ang kausap ko habang nagtataka bakit may iba sa way ng pakikipag-usap, eventually nalaman ko pamilya pala nya. They politely say, I'm sorry Ms.Contado we're just curious to know you, we didn't mean to offend you. I said of corz it's ok & and ask them to please call me Jha, unfortunately they don't want to, instead asking me back that they can't call me that way & to please allow them to call me Ms. Contado due of respect daw. They're so nice, sweet, respectable. Mr. Kirby making me at ease while talking w/ them coz I've said I'm so nervous. They said, why? You don't have to, we are just the same, we're all simple human like you Ms. Contado so please don't be nervous. I said, I'm gonna try! hahaha! whew! I've told them who really I am, that I have my Noah & I just came from a simple family. They said, who damn cares, you can even have 5 kids and it doesn't make sense, we don't even want to ask that. And as long as you both love each other , stay together our opinions doesn't matter, Bastien loves you so we love you too.We welcome you to the clan, both D & G,(mom side & Dad's side). I said, I'm just being honest & like what they've said, just be yourself. They've warmly welcomed me to their clan. I don't know how I would react that time. I'm happy ,yes so much happy to know & to talked these wonderful persons, a loving family who's very supportive. Nabawasan konti nerbyos ko, pero kabog ng dibdib ko dinig ko pa rin, hahaha. Sabe ng isip ko asan na kaya to si Angel , natutulog daw pala. Madaling araw pa lang naman kasi sa USA that time.
Sa buhay ng tao hindi madali ang mga bagay na hindi mo nakasanayan sa pang-araw-araw na buhay. Pero sa bawat pagkakataon na ibinibigay satin ng Dios, dapat din natin tanggapin kung ano at sino sila. Kalimutan ang nakaraan para makabuo ng magandang bukas. Huwag matakot subukan pero huwag din kakalimutan ang aral ng nakaraan para maging gabay natin. At kung anuman ang kahihinatnan tanggapin natin na sa bawat kwento ng buhay may mga pagsubok na dapat natin tawirin at malampasan, kapag nalampasan na natin lahat magiging maayos at masaya din tayo. Sa tamang panahon, sa tamang lugar, sa tamang TAO at pagkakataon basta patuloy tayo sa buhay na magtitiwala sa DIOS. Dahil sya lang ang nakakaalam ng magiging resulta ng ginagawa natin. Sa buhay ko handa ako tumanggap ng pagkatalo, pagkabigo, ang mahalaga sinubukan ko at ginawa ko ang lahat ng kaya ko kaya wala akong pagsisisihan sa huli. Madapa man akong muli,patuloy akong babangon , magsisikap muli at laging mabubuhay dahil may anak akong si NOAH na lage kong magiging inspirasyon at ang DIOS na lagi kong kakampi! Sa bawat tao na nagiging bahagi ng buhay ko, lage ko sila aalalahanin at ang mga aral na natutunan ko mula sa kanila. Hindi natatapos ang buhay sa isang pagkabigo, basta nga daw humihinga may PAG-ASA.
Minsan kung ano ung mga sinasabi natin na ayaw, parang tukso na un naman lage ang nakakaharap mo. Kung alin yung sinasabi mong panuntunan yun ang madalas na nasusuway mo. Buhay nga naman parang tukso, matira matibay na nga lang daw. Basta lage mo lang iisipin ang gumagawa ng tama ay laging pinagpapala ni God. God bless everyone!
No comments:
Post a Comment